Last July 22, 2009, I made a poem late midnight around 12:10am and finished at around 1am after seeing "Gintong Pamana", a documentary show under ABS-CBN. I was motivated by the show. I couldn't help but to bombard/ explode my feelings and thoughts for my own beloved country, "PHILIPPINES". I'm proud and must say this, "PILIPINO AKO". And I hope all the Filipinos around the world will be united with my poem.
PILIPINAS
By Clark Lyndon R. Sun
True-blooded and proud Pilipino
Pilipinas kong mahal, ikaw lamang ang tanging bubong ng aking buhay
na kahit anong klaseng unos ay handang ipaglaban sa natapakan kong pamumuhay.
Nagsilbi kang mahiwagang araw sa Silangan
Unti-unting bumabangon para sa mga Pilipino na tulad kong umaasam sa iyong kasikatan.
Bukod tangi ka ngang mayaman, Pilipinas ko
dahil sa angkin mong kagandahan, ika'y lubos kong iniibig, ipinagmamalaki at hinahangaan.
At sa aking tunay at tapat na pagka-Pilipino, ako'y lubos na nangangakong buong buhay kitang paglilingkuran at 'di kailan man ay iiwan.
Mundo at dugong dumadaloy sa aking ugat ay sa'yo lamang ilalaan,
Sapagkat likas 'mong kayamana'y nag-iisa at hindi mapapantayan.
Salamat at ika'y simula ng aking pagkatao, PILIPINAS ko.

No comments:
Post a Comment